366 - Ang Pugalan Mo Baga'y Matibay

Ang pugalan mo baga'y matibay?
Sa dagsa ng bagyo ng buhay?
Hindi kaya maanod kung datanan
Ng bilis ng along masasal?

REFRAIN

May sinepete ngang matibay
Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay na kalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!

Kung sa tibay ay maaasahan
Kamay ni Jesus ang may tangan,
Dagsaan man ng tukso ay laan,
Di matitinag sa saligan.

REFRAIN

May sinepete ngang matibay
Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay na kalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!

Kung dumating man ang kamatayan,
Sa baha ng takot ay laan,
Kahit buhawi man ang dumaan
Di matitinag sa pugalan.

REFRAIN

May sinepete ngang matibay
Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay na kalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!

Samantalang ang ating pag-asa,
Nasa sa loob ng tabing pa,
Lubos ang tibay, walang pangamba
Hanggang muling parito Siya.

REFRAIN

May sinepete ngang matibay
Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay na kalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!

0:00 0:00